Fear Factor Philippines vs. Survivor Philippines

Tuesday, April 29, 2008

Nagtatanong ang Kapuso fans kung ano ang ipantatapat ng ABS-CBN sa Survivor Philippines. Well, nabalitaan naming ang Kapamilya channel naman ang nakakuha ng rights ng Fear Factor.

Maganda sanang pagtapatin ang Pinoy version ng Survivor at Fear Factor, pero parang mauuna ang Survivor Philippines, dahil wala pang plugging ang Channel 2 at 'di pa naghahanap ng contestants.

Ang tsika, nag-i-scout na ng maghu-host sa Fear Factor Philippines at may names na raw na isinabmit. Hintayin natin ang official announcement ng Dos sa pagkakakuha nila sa rights ng reality show at kung kailan ito sisimulan.




Technorati :

Del.icio.us :

Zooomr :

Flickr :

0 comments: